PNP pabor sa pagkakaroon ng mandatory military service sa bansa
Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang mga panukalang magkaroon ng national program para sa pagsasailalim sa mandatory military service ng lahat ng mamamayan sa bansa.
Ayon sa PNP hindi sapat ang optional service sa pamamagitan ng NSTP at ROTC para makatugon sa requirements ng kumpletong citizens’ military training.
Sinabi ni PNP chief Dionard Carlos kung may malakas at mayroong capable military reserve force ang bansa na maaring i-mobilize bilang contingencies at kung may emergencies ay mas makatututok ang AFP sa external defense role nito habang ang PNP naman sa internal security, law enforcement, at public safety.
Naniniwala si Carlos na mahalaga ang pagkakaroon ng mass base able-bodied citizens na sinanay sa pagkakaroon ng disiplina, pagmamahal sa bansa, disaster response, at practical life-saving skills. (DDC)