Sinovac at Astrazeneca ang ibibigay sa “Resbakuna sa Botika”

Sinovac at Astrazeneca ang ibibigay sa “Resbakuna sa Botika”

Sinovac at Astrazeneca COVID-19 booster doses lamang muna ang maaring ibigay ng mga pharmacy at clinic na lumahok sa “Resbakuna sa Botika” program ng pamahalaan.

Sa laging handa briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na kailangan ay maging pamilyar muna ang mga pharmacist sa ituturok nilang bakuna.

Ipinaliwanag din ni Cabotaje na ang Sinovac at Astrazeneca vaccines ay hindi nangangailangan ng special storage at maaring itong iimbak sa regular refrigerators.

Aniya, ang mas maselan na vaccine brands, gaya ng Pfizer at Moderna, ay maaring i-deploy pagkatapos ng Phase 1 o 2 ng pagpapatupad ng programa.

Idinagdag ni Cabotaje na ang “Resbakuna sa Botika” program ay maaring makarating sa labas ng Metro Manila pagsapit ng Pebrero. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *