Ilang lugar sa bansa isinailalim sa Alert Level 4
Ilan pang mga lugar sa bansa ang isinailalim ng pamahalaan sa Alert Level 4 at Alert Level 3 simula ngayong Biyernes, Jan. 21 hanggang sa Jan. 31, bunsod pa rin ng pagsipa ng COVID-19 cases.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, apat na lalawigan ang isinailalim sa Alert Level 4, na kinabibilangan ng Kalinga, Ifugao, Mountain Province at Northern Samar.
Nadagdag naman sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Apayao, Puerto Princesa City at Masbate sa Luzon, gayundin ang Siquijor sa Visayas.
Sa Mindanao, isinailalim din sa Alert Level 3 ang Zamboanga Del Norte, Zamboanga Sibugay, Lanao Del Norte, Davao De Oro, Davao Oriental, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Surigao Del Norte, Maguindanao at Basilan. (Infinite Radio Calbayog)