Dalawang opisyal ng Bilibid sinibak sa pwesto matapos ang pagpuga ng apat na preso

Dalawang opisyal ng Bilibid sinibak sa pwesto matapos ang pagpuga ng apat na preso

Dalawang opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP) ang sinibak sa pwesto matapos ang insidente ng pagtakas ng apat na bilanggo sa Maximum Security Compound.

Iniutos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Usec. Gerald Bantag ang pagsibak kay NBP Maximum Security Compound Superintendent C/Supt. Supt. Arnold Guzman at kay NBP Commander of the Guards (COG) C/SInsp. Israel Basi.

Isinailalim ang dalawa sa Directorate for Administration habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagtakas ng mga preso.

Itinalaga naman bilang Acting NBP Maximum Security Compound Superintendent si CSupt. Roy Villasi.

Habang ang bagong Commander of the Guards (COG) ay si CSInsp. Reynaldo Tuguinay. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *