DOH nakapagtala ng 31,173 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 31,173 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Jan. 20 ay 3,324,478 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,995,961 ang gumaling o katumbas ng 90.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 26,298 na gumaling.
Sumampa na sa 275,364 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng 8.3 percent.
Nasa 53,153 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.01 percent makaraang makapagtala ng 110 pang pumanaw. (DDC)