Mga Pinoy sa Tonga at Samoa ligtas ayon sa DFA

Mga Pinoy sa Tonga at Samoa ligtas ayon sa DFA

Wala pang natatanggap na ulat ang Philippine Embassy sa Wellington na may mga Pinoy na nasaktan sa Tonga at Samoa matapos ang pagsabog ng bulkan doon.

Ayon sa update mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy ang ginagawang hakbang ng embahada upang makausap ang mga Pinoy sa Tonga at Samoa.

Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng satellite phone. Ayon sa DFA, aabutin pa kasi gn dalawang linggo ba bago tuluyang maibalik ang communication systems sa Tonga.

Tiniyak ng DFA na patuloy na imo-monitor ang sitwasyon sa Tonga.

Sa pamamagitan ng email ay nakapagpadala na din ng mensahe sa embahada ang Association of Filipinos in Tonga Inc. at sinabing accounted for ang lahat ng Pinoy sa Tonga.

Hiniling din ng asosasyon sa embahada na maiparating sa kanilang kaanak sa Pilipinas na maayos ang kanilang kondisyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *