Pilot implementation ng face-to-face classes noong Nob. 15 hanggang Dis. 20 naging matagumpay ayon sa DepEd
Naging matagumpay ang isinagawang pilot implementation ng face-to-face classes noong Nobyembre 15 hanggang Disyembre 20 ng nakaraang taon.
Ayon sa Department of Education (DepEd) ang pilot implementation ng face-to-face classes ay nilahukan ng 287 na mga paaralan sa bansa.
Sa nasabing bilang, 265 ang public schools at 22 naman ang private schools.
Umabot sa 15,683 na mga mag-aaral mula kindergarten hanggang grade 12 ang lumahok sa programa.
Base sa assessment ng DepEd matapos ang implementasyon ng face-to-face classes naging matagumpay ang pagdaraos nito.
Naging mataas ang naitalang attendance rate ng mga mag-aaral na lumahok sa programa.
Kampante rin ang mga mag-aaral, guro at mga magulang sa kaligtasan ng mga lumahok sa face-to-face classes.
Mahalaga ayon sa DepEd ang pagkakaroon ng shared responsibility ngayong panahon ng pandemya. (DDC)