ACT-CIS, tutulungan ang 80-anyos na lolo na nakulong dahil sa pagnanakaw ng sampung kilong mangga

ACT-CIS, tutulungan ang 80-anyos na lolo na nakulong dahil sa pagnanakaw ng sampung kilong mangga

Tutulungan ng ACT-CIS Partylist ang isang Lolo sa Asingan, Pangasinan na makapagpiyansa matapos arestuhin, kasuhan at ikulong dahil sa “pagnanakaw” ng 10 kilo ng Mangga.

Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, nakarating na sa kanila ang naging sitwasyon ni Lolo Narding Floro, 80-anyosna isang Linggo nang nakakulong.

Ayon kay Yap, P6,000 lang ang piyansa ni Lolo Narding pero hindi pa nakalalabas ng kulungan ang matanda dahil sa kawalan ng pera.

Ani Yap, ang kanilang gagawin ay for humanitarian consideration dahil sa edad ng lolo.

Hindi aniya panghihimasukan ng ACT-CIS ang takbo ng kaso.

Sa impormasyon na nakarating sa opisina ng ACT-CIS, Si Lolo Floro ay inaresto at kinasuhan matapos ireklamo ng may-ari ng lupa na pinagpitasan niya ng mangga.

Pero depensa ng lolo siya ang nagtanim ng puno at isinama lang umano sa pagbabakod ang kanyang tanim na punong mangga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *