NTC suportado ang pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

NTC suportado ang pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

Sinuportahan ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagtutol ng Office of the Solicitor General (OSG) sa panawagan ni Senator Leila de Lima na ipasa ang dalawang panukalang batas pabor sa muling pagbuhay ng prangkisa ng ABS-CBN.

Una nang nanawagan si De Lima sa Kamara na ipasa ang dalawang panukalang batas na layong maiwasan na ang pagkakaroon ng expiration ng mga prangkisa habang nakabinbin ang renewal applications.

Ayon kay Commissioner Gamaliel Cordoba, ipinarating na ng NTC sa House Committee on Legislative Franchises na NTC na ina-adopt ng komisyon ang position paper ni Solicitor General Jose Calida na tumututol sa SB 1530 at HB 7923.

Ayon sa OSG, binabalewala ng dalawang panukalang batas ang legislative nature.

“The proposed bills seek to provide a ‘hold over franchise” to be enjoyed by an entity which has applied for a renewal while congress is still deliberating on the merits of such renewal,” ayon sa OSG.

Sinabi ni Calida kung ipatutupad ang sistema para sa “hold over franchise” lalabagin nito ang batas na nagre-require sa isang broadcasting station na magkaroon ng legislative franchise.

Maari ding maabuso ayon sa OSG ang nasabing polisya dahil bibigyang-daan nito ng ang mga broadcasting entities na i-delay ang nakabinbing denial sa aplikasyon para sa franchise renewal.

“Furthermore, to allow an expired franchise holder to continue its operations thereby extending its use over the free signals granted by the State is akin to promoting ‘exclusivity’ which the Constitution abhors,” dagdag ni Calida.

Ayon sa OSG sa ilalim ng Article XII, Section 10 ng Konstitusyon, hindi ekslusibo ang ipinagkakaloob na prangkisa.

Sinabi ng OSG na ang dalawang panukala ay inihain sa magkaprehong petsa at halos naglalaman ng identical wordings.

Dahil dito, malinaw aniya na layon lamang nitong muling buhayin ang legislative franchises ng ABS-CBN at ng Amcara Broadcasting Network (Amcara). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *