DOH nakapagtala ng 22,958 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 22,958 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Jan. 19 ay 3,293,625 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,969,853 ang gumaling o katumbas ng 90.2 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 36,611 na gumaling.
Sumampa na sa 270,728 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng 8.2 percent.
Nasa 53,044 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.61 percent makaraang makapagtala ng 82 pang pumanaw. (DDC)