DOH nakapagtala ng 492 na bagong kaso ng Omicron variant ng COVID-19
Nakapagtala ng 492 na bagong kaso ng COVID-19 Omicron variant base sa isinagawang whole genome sequencing na noong Enero 13 at 14.
Ayon sa Department of Health (DOH), sa nasabing bilang, 332 ay local cases, habang 160 naman ay mga returning overseas Filipinos.
Ang mga kaso ay naitala sa National Capital Region (227 cases), CALABARZON (76 cases), Central Luzon (11 cases), Central Visayas (5 cases), Cagayan Valley (2 cases), Western Visayas (2 cases), Davao Region (2 cases), SOCCSKSARGEN (2 cases), Cordillera Administrative Region (CAR) (2 cases), Ilocos Region (1 case), MIMAROPA (1 case), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (1 case).
Sa kabuuan, umabot na sa 535 ang kumpirmadong kaso ng Omicron variant sa bansa.
Sa 714 samples na isinailalim sa sequencing ay nakapagtala din ng 115 Delta (B.1.617.2) variant cases at isang Alpha (B.1.1.7) variant case. (DDC)