Pagpapalawig sa limited face-to-face classes inaprubahan ni Pangulong Duterte
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng ipinatutupad na limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, inirekomenda ng Department of Education (DepEd) kay Pangulong Duterte ang “progressive expansion” ng limited in-person classes sa Pebrero.
Tanging ang mga bakunadong teaching at non-teaching staff ang papayagang lumahok.
Mananatiling ang DepEd at ang DOH ang magsasagawa ng assessment sa mga lugar na pagdarausan ng face-to-face classes. (DDC)