Batas na nagdedeklara sa Carcar City bilang Heritage Zone nilagdaan ni Pangulong Duterte
Isa nang ganap na batas ang panukalang nagdedeklara sa Carcar City sa Cebu bilang isang Heritage Zone.
Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11644 o An Act Declaring the City of Carcar in the Province of Cebu a Heritage Zone.
Nilagdaan din ng pangulo ang RA11645 o An Act Establishing a Heritage Zone within the Municipality of San Vicente, Ilocos Sur.
Inatasan ang Department of Tourism (DOT), ang lokal na pamahalaan ng Cebu at Carcar City, ang probinsya ng Ilocos Sur, at ang munisipalidad ng San Vicente, NCCA at ang DENR na maghahanda ng development plans para sa pagpapatupad ng batas.
Kasamang ipinalalatag ang pagkakaroon ng preservation, conservation, restoration at pagpapanatili ng cultural at historical sites at istraktura para sa pagpapalakas ng turismo sa San Vicente at Carcar City. (DDC)