DOH nakapagtala ng 28,471 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 28,471 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Jan. 18 ay 3,270,758 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,933,338 ang gumaling o katumbas ng 89.7 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 34,892 na gumaling.
Sumampa na sa 284,458 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng 8.7 percent.
Nasa 52,962 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.62 percent makaraang makapagtala ng 34 pang pumanaw. (DDC)