Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Typhoon Odette umakyat na sa P13.3B
Umabot na sa 13.3 billion pesos ang halaga ng pinsala ng Typhoon Odette sa mga pananim.
Batay sa update mula sa Department of Agriculture (DA), umabot sa mahigit 533,000 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Kabuuang 462,766 na ektarya ng mga pananim ang nasira.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, naglaan na ang DA ng P2.9 billion na halaga ng tulong sa mga naapektuhan.
Kabilang dito ang P1 billion na halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehiabilitasyon ng sa mga naapektuhang lugar.
Ang DA Regional Field Offices (RFOs) ay naglaan din ng P314 million na halaga ng rice seeds, P129 million na halaga ng corn seeds, at P57 million na halaga ng assorted vegetable seeds. (DDC)