Pagbabakuna sa mga botika ilulunsad ng pamahalaan
Sisimulan ng pamahalaan ang pagsasagawa ng COVID-19 vaccination sa mga piling botika o pharmacies ngayong buwan.
Ayon kay Testing czar Vince Dizon, target itong isagawa sa Jan. 20 at 21.
Tatawagin ang programa bilang “Resbakuna sa mga Botika” na unang isasagawa sa pitong participating drugstores sa Metro Manila.
Pagkatapos mailunsad sa unang pitong drugstores, palalawigin ito agad sa iba pang mga lugar sa buong bansa.
Ang nasabing programa ay una nang ginawa sa Estados Unidos kung saan ginagamit ang mga pharmacies para sa kanilang COVID-19 vaccination drive. (DDC)