Swab Cab ng OVP magtutungo sa walong barangay sa Makati ngayong araw
Sa Makati City naman magbibigay ng serbisyo ang Swab Cab ng Office of the Vice President ngayong araw.
Libre ang antigen testing sa Swab Cab ng OVP.
Ang mga maaring i-test ay ang mga close contacts at symptomatic na mga residente.
Ang Swab Cab ay magtutungo sa sumusunod na mga barangay:
📍 Brgy. Poblacion
📍 Brgy. Pembo
📍 Brgy. Rizal
📍 Brgy. West Rembo
📍 Brgy. Pio del Pilar
📍 Brgy. Guadalupe Nuevo
📍 Brgy. San Antonio
📍 Brgy. Palanan
Ayon sa OVP, house-to-house ang rollout ng libreng Antigen Test at ang mga indibidwal na kailangan i-test ay natukoy na ng Makati LGU. (DDC)