82 pang Pinoy tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa; 4 pa ang nasawi
Nadagdagan ng 82 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa kabuuan 24,373 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 14,441 na ang gumaling habang 8,474 pa ang sumasailalim sa gamutan.
Nasa 1,458 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19 makaraang makapagtala ng 4 pang pumanaw.
Sa Middle East/South Africa mayroong naitalang pinakamaraming kaso na umabot na sa 13,179.
Sa Asia Pacific Region naman ay nakapagtala ng 6,470 cases. (DDC)