Publiko pinag-iingat ng PhilHealth sa pekeng ID at MDR
Nagbabala ang PhilHealth sa publiko hinggil sa paglaganap ng pekeng PhilHealth ID at pekeng MDR.
Ayon sa PhilHealth nakatanggap sila ng mga report tungkol sa pekeng PhilHealth ID at MDR na nakukuha mula sa mga fixer online.
Ang iba naman ay nagbabayad ng online service fee pero walang dokumentong ipinapadala sa kanila.
Payo ng PhilHealth para matiyak na orihinal ang PhilHealth documents, maaring magpadala ng email sa actioncenter@philhealth.gov.ph
Maari ding lumikha ng account sa PhilHealth Portal sa https://memberinquiry.philhealth.gov.ph/member