Mga kumpanya hinikayat ng DOLE na magbigay ng quarantine leave o isolation leave sa kanilang mga empleyado
Hinikayat ng Department of Labor and Employemnt (DOLE) ang mga pribadong kumpanya na bigyan ng quarantine o isolation leave ang kanilang mga empleyado.
Sa inilabas na Labor Advisory ng DOLE, kabilang sa pinabibigyan ng quarantine o isolation leave ay ang mga empleyadong naging close contact, suspected, probable o positibo sa COVID-19.
Hinimok ng DOLE ang mga employer na gawing paid leave ang isolation at quarantine leave.
Mas mainam din ayon sa DOLE kung hiwalay na bilang ito sa existing leave benefits ng mga empleyado. (DDC)