COVID-19 ikatlo sa top cause of death sa bansa noong 2021

COVID-19 ikatlo sa top cause of death sa bansa noong 2021

Kabilang ang COVID-19 sa pangunahing dahilan ng pagkasawi sa Pilipinas sa unang 10 buwan ng taong 2021.

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ischaemic heart ang pangunahing dahilan ng pagkasawi sa bansa mula January hanggang October 2021. Mayroong 110,332 cases o 18.3 percent total deaths.

Ikalawang top cause of death sa bansa ay ang cerebrovascular diseases kung saan umabot sa 58,880 ang naitalang nasawi o 9.7 percent.

Nasa ikatlong pwesto ang COVID-19 deaths kung saan nakapagtala ng 75,285 na nasawi o 12.5 percent.

Kasama sa top 10 cause of death sa bansa ang mga sumusunod:

– Neoplasms
– Diabetes mellitus
– Hypertensive diseases
– Pneumonia
– COVID-19 virus not identified
– Other heart diseases
– Chronic lower respiratory diseases

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *