Maraming empleyado ng molecular laboratory ng Philippine Red Cross nagpositibo sa COVID-19
Marami sa mga empleyado ng molecular laboratory ng Philippine Red Cross ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa pahayag ng Red Cross, bagaman marami sa kanilang mga empleyado ang nagpapagaling at naka-quarantine, ay ginagawa nila ang lahat upang maibigay ang resulta ng swab test at saliva test sa loob ng 72 oras.
Nananatiling 24/7 ang operasyon ng PRC Molecular Laboratories sa Maynila at Mandaluyong at bukas ito sa publiko mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon kasama ang weekends at holidays.
Para naman sa operating hours ng mga Saliva Collection sites, maaring tumawag sa local PRC Chapter o tignan ang schedule sa website ng Red Cross. (DDC)