Desisyon ng korte Australian Court sa deportation kay Novak Djokovic binatikos ng presidente ng Serbia
Hindi nagustuhan ng presidente ng Serbia ang naging desisyon ng korte sa Australia sa usapin ng deportation kay Novak Djokovic.
Sa kaniyang pahayag sinabi ni Serbian President Aleksandar Vucic, hindi si Djokovic ang kahiya-hiya sa nangyari kundi kahihiyan ito para sa Australia.
Dagdag pa ni Vucic taas-noo pa ring makababalik si Djokovic sa Serbia.
Magugunitang tinawag na “political witch hunt” ni Vucic ang pagkulong ng Australia kay Djokovic dahil sa pagiging hindi bakunado ng tennis star.
Bunsod ng naging pasya ng korte, ipinadeport si Djokovic at hindi pinaglaro sa Australian Open.
Nawala tuloy ang pag-asa ni Djokovic para sa target niyang ika-21 Grand Slam. (DDC)