“No Vaccination, No Ride” ipinatupad na sa MRT-3
Nagsimula na ngayong araw, January 17 ang pagpapatupad ng “No Vaccination, No Ride” policy sa MRT-3.
Ito ay base sa department order ng Department of Transportation, at upang maprotektahan ang kalusugan ng mga pasahero ng MRT-3 sa gitna ng pagtaas sa mga kaso ng COVID-19.
Tanging mga pasaherong fully vaccinated ang pinayagang makasakay ng tren, matapos makapagprisinta ng kanilang vaccination card at isang valid o government-issued ID sa security marshal sa istasyon.
Exempted naman sa “no vaccination, no ride” policy ang mga pasaherong may medical condition kung kaya’t hindi sila makapagpabakuna; mga pasaherong kukuha o maghahatid ng essential goods tula ng pagkain, gamot, tubig, medical and dental necessities, public utilities, at iba pa; at mga pasaherong nakai-schedule magpabakuna. (DDC)