Mga nagpositibo sa COVID-19 maaring agad magpaturok ng booster shot pagkatapos ng isolation

Mga nagpositibo sa COVID-19 maaring agad magpaturok ng booster shot pagkatapos ng isolation

Maari nang magpaturok ng booster shot ang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 sa sandaling siya ay maka-recover na at makatapos na ng isolation.

Pahayag ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

Sinabi ni Vergeire na kung ang isang nagpositibo sa COVID-19 ay nakakumpleto na ng kaniyang isolation period at wala na siyang nararanasang anumang sintomas ay maari na siyang makakuha ng booster shot.

Sa ilalim ng updated guidelines ng DOH, ang mga COVID-19 positive na asymptomatic o mild lamang ang sintomas ay pitong araw na lamang kailangang mag-isolate kung fully-vaccinated na.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *