Kamara balik-sesyon na simula Lunes, Jan. 17
Magbabalik-sesyon na ang Kamara simula araw ng Lunes, Jan. 17 matapos ang dalawang linggong lockdown.
Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, sa pagbabalik-sesyon, magpapatupad ng mahigpit na health and safety protocols para matiyak ang proteksyon sa mga empleyado at miyembro ng Kamara.
Sa February 5 muli ring mag-a-adjourn ang sesyon ng Kamara kaya mayroon lamang tatlong linggo o siyam na session days na nalalabi ang mga mambabatas.
Sa pagbabalik-sesyon inaasahang maipapasa na sa third at final reading ang HB 10582 o ang panukalang Rural Financial Inclusion and Literacy Act.
Target na ring maipasa sa final reading ang House Bill (HB) 10579 na layong palakasin ang field offices ng Commission on Elections. (DDC)