Kalagayan ng mga Pinoy sa Tonga, Samoa at Fiji binabantayan kasunod ng pagputok ng underwater volcano
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na minomonitor ang kondisyon ng mga Pinoy sa Tonga, Samoa at Fiji kasunod ng pagputok ng isang underwater volcano doon.
Ang Philippine Embassy sa Wellington ang nakabantay sa sitwasyon para masiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy.
Batay sa ulat mula sa embahada, lumikas sa mataas na lugar ang mga reisdente.
Nagkaroon din ng problema sa komunikasyon dahil sa tsunami waves na naranasan sa Tonga, Samoa, at Fiji.
Sa datos ng DFA, mayroong 87 sa Tonga, 300 Pinoy sa Samoa, at 400 sa Fiji. (DDC)