Pagdaraos ng Bar Exams iniurong sa Feb. 4 at Feb. 6 dahil sa surge ng COVID-19
Binago ng Korte Suprema ang petsa ng pagdaraos ng Bar Examinations.
Sa halip na sa January 23 hanggang 25 ay gagawin na lamang sa February 4 at February 6 ang pagsusulit.
Ayon sa SC, sa 8,546 na mga Bar Examinees, may mga nagpadala ng email sa Office of the Bar Chairperson at sinabing sila ay positive sa COVID-19, may kasamang COVID-19 positive sa bahay, o ‘di kaya naman ay naka-quarantine sila dahil direct contact sila ng nagpositibong pasyente.
Dahil dito, maaring hindi sila makakuha ng pagsusulit kung itutuloy ang bar exams sa orihinal na petsa nito.
Maliban dito, mataas din ang infection rate at quarantine situation sa mga Bar personnel.
Ang pag-reschedule sa petsa ng Bar Exams ay unanimous na napagpasyahan ng Supreme Court en banc.
Lahat ng kukuha ng pagsusulit ay pinapayuhang istriktong sumailalim sa quarantine simula sa Jan. 20, 2022. (DDC)