First-dose appointments sa Quebec biglang tumaas matapos ang anunsyong bubuwisan ang mga hindi pa bakunado
Biglang dumagsa ang mga nais magpabakuna sa Quebec sa Canada matapos ianunsyong bubuwisan ang mga mamamayan nitong hindi pa bakunado.
Ayon kay Quebec health minister Christian Dube, biglang tumaas ang first-dose appointments sa kanilang vaccination.
Bagaman halos 90% na ng mga eligible na populasyon sa Quebec ang nagpabakuna na kontra COVID-19, nais pa ring mahikayat ang nalalabi pa na magpaturok ng bakuna.
Una nang sinabi ng pamahalaan ng Quebec na pagbabayarin ng buwis o kontribusyon ang mga mamamayan nilang ayaw magpabakuna.
Hindi pa naman tinutukoy kung magkano ang halagang sisingilin.
Exempted naman dito ang mga hindi pa bakunado dahil sila ay may medical exemption. (DDC)