Presyo ng gamot sa hypertension, diabetes, asthma, COPD, at iba pa, bababa simula sa Marso
Simula sa March 23, 2022 ay mas bababa na ang presyo ng gamot sa mga sakit gaya ng hypertension, diabetes, asthma, COPD, end stage renal disease, psoriasis at Parkinson’s disease.
Ito ay kasunod ng paglagda ni Presidente Rodrigo Duterte sa Executive Order No. 155.
Sa nasabing EO, 34 na drug molecules o 71 na drug formulations ang isasailalim sa Maximum Retail Price.
Kabilang sa mga gamot na bababa ang presyo ay ang Amlodipine+Telmisartan, na ibinibigay para sa mga may hypertension.
Mababawasan ng 34% ang halaga nito kumpara sa orihinal na presyo nito.
Narito ang listahan ng mga gamot na pinatawan ng MRP https://tinyurl.com/MRPMedicinesList