Baby Shark nakakuha na ng 10B views sa YouTube
Muling nagtala ng rekord ang “Baby Shark Dance” sa YouTube.
Ayon sa YouTube umabot na sa 10 billion ang views ng Baby Shark.
Dahil dito, naging most viewed video sa kasaysayan ng YouTube ang “Baby Shark”.
Simula noong Nob. 2020, ang “Baby Shark Dance” na ang most viewed video sa YouTube.
Naungusan na nito ng 2.3 billion views ang kantang “Despacito” na mayroong 7.7 billion views. (DDC)