Upos ng sigarilyo pangunahing basurang itinatapon sa kalsada
Cigarette butts o upos ng sigarilyo ang pangunahing basura na karaniwang itinatapon sa mga kalsada.
Batay sa datos mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umabot sa 4,506 indibidwal o 47 porsiyento ang nahuling nagtapon ng upos ng sigarilyo sa mga kalsada.
Ito ang pinakamataas na bilang sa nahuling lumalabag sa Anti-Littering Law sa taong 2021.
Pangalawa naman ang balat ng kendi kung saan 2,278 indibidwal o 24 porsyento ang nahuling nagtapon; pangatlo ang papel kung saan 1,340 indibidwal o katumbas ng 14 porsyento ang nahuling nagtapon.
Sa ilalim ng Anti-Littering Law, bawal ang pagtatapon ng anumang uri ng kalat o dumi sa mga lansangan, ilog, sapa, kanal.
Ang mga violators o mga mahuhuli ay maaaring mapatawan ng multa o kaya’y community service. (DDC)