“No Vaccine, No Ride” ipatutupad sa MRT-3 simula sa Lunes, Jan. 17

“No Vaccine, No Ride” ipatutupad sa MRT-3 simula sa Lunes, Jan. 17

Ipatutupad ng pamunuan ng MRT-3 ang no vaccination, no ride/no entry policy sa buong rail line simula sa Lunes, ika-17 ng Enero 2022.

Ito ay base sa inilabas na Department Order ng Department of Transportation (DOTr) at upang maprotektahan ang kalusugan ng mga pasahero ng linya.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, tanging mga pasaherong fully vaccinated ang pahihintulutang makasakay ng tren, matapos makapagprisinta ng kanilang vaccination card at isang valid o government-issued ID sa security marshal sa istasyon.

Ang no vaccination, no ride/no entry sa MRT-3 ay paiiralin habang nasa Alert Level 3 pataas ang COVID-19 alert level status ng Metro Manila.

Exempted naman sa “no vaccination, no ride” policy ang mga sumusunod:

– Mga pasaherong may medical condition kaya’t hindi makapagpabakuna. Kailangang magpakita ng duly-signed medical certicate na may ngalan at detalye ng doktor sa security marshal.

– Mga taong kukuha o bibili ng essential goods tula ng pagkain, gamot, tubig, medical and dental necessities, public utilities, at iba pa. Kailangang magpakita ng nararapat na dokumentasyon o patunay sa security marshal. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *