COVID ward ng Cagayan Valley Medical Center nasa full capacity na
Umabot na sa full capacity ang Covid-19 ward ng Cagayan Valley Medical Center o CVMC.
Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief, mayroong 213 na pasyente ang binabantayan sa ospital kung saan ay 174 dito ang confirmed cases habang 39 naman ang suspected cases.
Karamihan sa mga pasyente ay mula sa Tuguegarao City (129), habang ang iba ay mula sa iba’t ibang bayan ng Cagayan.
Mayroon ding mga pasyente na mula naman sa karatig-probinsiya gaya ng Isabela, Kalinga, Quirino at Apayao.
Sa ngayon ay ibinalik sa 200 bed capacity ang CVMC at lagpas na ngayon sa 100% capacity ito.
Muli ring binigyang-diin ni Dr. Baggao na dapat unahin na i-refer sa CVMC ang mga pasyenteng severe at critical patients at sa district hospitals na lamang ang mga mild at moderate na pasyente.