Pagsuspinde ng klase sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 pinayagan ng DepEd
Pinayagan ng Department of Education (DepEd) ang suspensyon ng klase sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na memorandum, sinabi ng DepEd na dahil sa nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng COVID-19, kailangang matiyak ang proteksyon sa mga guro at mga mag-aaral.
Binigyang kapangyarihan ang mga regional at school division office na magdeklara ng suspensyon ng klase kung kinakailangan.
Sa pagsusupinde ng klase, ihihinto ang lahat ng synchronous at asynchronous classes.
Ire-reschedule din ang pagsusumite ng academic requirements at iba pang teaching-related activities. (DDC)