Aurora, Isabela niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Isabela.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa bayan ng Aurora alas 4:20 ng madaling araw ng Huwebes, Jan. 13.
May lalim na 6 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ang Intensity III sa Aurora at Cabatuan, Isabela.
Hindi naman nagdulot ng pinsala at aftershocks ang lindol. (DDC)