Mga paaralan babantayan ng PNP sa pagbubukas ng klase sa mga kolehiyo at unibersidad

Mga paaralan babantayan ng PNP sa pagbubukas ng klase sa mga kolehiyo at unibersidad

Magbabantay ang mga tauhan ng Philippine National Police sa mga paaralan sa pagbubukas ng face to face classes sa kolehiyo simula sa January 30.

Kasunod ito ng anunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) na itutuloy nito ang Phase 2 ng limited face-to-face classes sa lahat ng higher education institutions sa mga lugar na nakasailalim sa COVID-19 Alert Level 3.

Sa January 30 sisimulan ang face to face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Habang pinapayagan na ng Ched na magbukas anumang araw ang mga kolehiyo at unibersidad sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, ipatutupad ng mga pulis ang minimum public health standards sa palibot ng mga paaralan.

Maliban sa mga eskwelahan, babantayan din ng PNP ang mga establisyimento sa palibot ng mga educational institution. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *