1,820 healthcare workers sa Maynila nabakunahan na kontra COVID-19

1,820 healthcare workers sa Maynila nabakunahan na kontra COVID-19

Umabot na sa 1,820 na healthcare workers (HCWs) sa lungsod ng Maynila ang nabakunahan kontra COVID-19.

Batay ito sa datos ng Manila Health Department (MHD) hanggang ala 1:00 ng hapon ng Lunes (March 8).

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang nasabing datos ay simula ng umpisahan ang vaccination rollout ng Pamahalaang Lungsod noong March 2.

Patuloy din ang paghikayat ni Moreno sa publiko na magpabakuna dahil limitado ang suplay ng COVID-19 vaccines na darating sa bansa.

Dagdag pa niya, malaki rin ang proteksyong maibibigay nito laban sa sakit.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *