Ambulant at market vendors sa QC na magpapabakuna bibigyang insentibo

Ambulant at market vendors sa QC na magpapabakuna bibigyang insentibo

Magbibigay ng insentibo ang Quezon City Local Government sa mga ambulant vendor, market vendor at market workers sa lungsod na magpapabakuna kontra COVID-19.

Kasunod ito ng utos ng Metro Manila Council na limitahan ang galaw ng mga hindi pa bakunadong indibidwal sa Metro Manila.

Ayon sa city government kabilang sa mga hindi pa bakunado ay mga market vendors, market employees, at ambulant vendors na araw-araw kailangang magtrabaho para kumita ng pera.

Dahil dito, upang mahikayat silang magpabakuna, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na magbibigay ang LGU ng P2000.00 sa mga magpapabakunang
vendor.

Kailangang magpabakuna ang mga Quezon City resident market vendors, market employees, at ambulant vendors sa pagitan ng January 8 hanggang 31, 2022 para mapabilang sa programa.

Inatasan na ang Market Development and Administration Department (MDAD) na maghanda ng masterlist ng mga vendor. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *