15 pasahero ng MRT-3 nagpositibo sa unang araw ng Random Antigen Testing

15 pasahero ng MRT-3 nagpositibo sa unang araw ng Random Antigen Testing

Sa unang araw ng pagsasagawa ng Random Antigen Testing sa mga pasahero ng MRT-3, umabot sa labinglimang mga pasahero ang nagpositibo.

Araw ng Martes, January 11 pormal na inumpisahan ng pamunuan ng MRT-3 ang pagsasagawa ng Random Antigen Testing sa mga pasahero nito.

Boluntaryo ang pagpapasailalim sa test at walang pinipilit na pasahero.

Ayon sa datos, umabot sa 96 na pasahero ang naisailalim sa Antigen Testing, kung saan 81 ay negatibo at 15 ang positibo.

Ang mga pasaherong pumayag magpasailalim sa Antigen Test at negatibo ang resulta ay libre nang nakasakay sa MRT-3.

Ang mga nagpositibo naman sa antigen testing ay hindi na pinabiyahe at inabisuhan na kaagad magself-isolate at makipag-ugnayan sa local government unit (LGU) para sa health monitoring at confirmatory RT-PCR testing. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *