DOTr nagpalabas na ng kautusan sa pagpapairal ng “No Vaccination, No Ride/No Entry Policy” sa mga PUV
Nagpalabas na ng kautusan ang Department of Transportation (DOTr) na nagbabawal sa mga hindi bakunadong indibidwal na makasakay sa mga pampublikong sasakyan.
Salig sa Department Order na nilagndaan ni DOTr Sec. Arthru Tugade paiiralin ang “No Vaccination, No Ride/No Entry Policy” sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.
Iiral ang polisiya habang nakasailalim sa COVID-19 Alert Level 3 level ang Metro Manila.
Agad na ipatutupad ang DO matapos mailathala sa Official Gazette o pahayagan na mayroong general circulation.
Lahat ng sasakay sa mga PUVs ay kailangang magpakita ng kanilang LGU (local government unit)-issued vaccine card at valid government issued ID na mayroong picture at address.
Exempted naman sa “no vaccination, no ride” policy ang mga sumusunod:
• Ang mga mayroong medical conditions dahilan para hindi sila makapagpabakuna. Kailangang may medical certificate na may liagda ng kanilang doktor.
• Ang mga bibili ng essential goods at services, gaya ng pagkain, tubig, gamot, medical devices, at iba pa. Kailangang mayroon silang duly issued barangay health pass. (DDC)