Agila pinakawalan sa Zamboanga del Norte
Isang Philippine eagle ang pinakawalan sa kagubatan sa Zamboanga del Norte.
Ang nasabing agila na pinangalanang “Godod” ay natagpuan noong Disyembre na mayroong noose trap at may mga galos sa katawan.
Hango ang pangalan sa isang bayan sa Zamboanga del Norte kung saan ito natagpuan at inalagaan ng ilang linggo.
Sa pagtaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Philippine Eagle Foundation (PEF) nasa limang taong gulang na ang agila.
Matapos maka-recover ay ibinalik na ito sa kagubatan. (DDC)