Konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension Project nasa 61 percent nang kumpleto
Nasa 61.60 percent nang kumpleto ang nagpapatuloy na konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension Project.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) matapos ang halos 29 na nabinbin ang proyekto ay tuluy-tuloy na rin sa wakas ang LRT-1 Cavite Extension Project.
Ang nasabing proyekto ay unang naaprubahan ng NEDA ICC noong August 25, 2000 at naisyuhan ng budget ng Kongreso taong 2007 para sa pagbili ng right-of-way.
Pero hanggang noong June 2016, hindi naumpisahan ang proyekto.
Noon lamang September 2019 nang maisaayos ang lahat ng usapin sa right-of-way at iba pang problema sa proyekto kaya pinal na naumpisahan na ang konstruksyon.
Sa sandalling matapos, ang biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite at pabalik ay bababa sa 25 minuto na lamang mula sa kasalukuyang 1 hour and 10 minutes. (DDC)