30 milyong katao hindi pa bakunado kontra COVID-19
Mayroon pang 28 milyon hanggang 30 milyon na mga Filipino ang hindi nagpapabakuna kontra COVID-19.
Sa datos mula sa National Task Force Against COVID-19, ito ay kung pagbabasehan ang target na mabakunahan ang 90 milyong katao sa bansa.
Ayon sa National Vaccination Operations Center, 28 million hanggang 30 million pa ang kailangang mabigyan ng primary doses ng COVID-19 vaccine.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 90 milyong Pinoy hanggang sa pagtatapos 2022.
Pangunahing target ngayon ng gobyerno na mabakunahan ang 3 milyon pang Senior Citizens na hindi pa bakunado. (DDC)