PNP iniimbestigahan na ang riot na naganap sa Caloocan City Jail
Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang riot na naganap sa pagitan ng mga preso sa Caloocan City Jail na nagresulta sa pagkasawi ng apat na katao.
Sa inisyal na report mula sa Caloocan Police, sumiklab ang riot matapos ang pagtatalo sa pagitan ng mga bilanggo habang naglalaro ng Cara y Cruz.
Mayroon ding 30 iba pang nasugatan.
Kinilala ng PNP ang mga nasawi na sina Hans Omar, Sherwin Perez at John Patrick Chicko, at isa pang bilanggo.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, nag-iimbestiga na ang PNP sa insidente sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Iniutos na ni Carlos ang pagsasagawa ng random inspection sa bilangguan para matukoy kung may itinatagong mga kontrabando sa mga selda. (DDC)