North Korea nagpakawala ng ballistic missile sa East Sea
Nagpakawala ng hinihinalang “ballistic missile” ang North Korea.
Ayon sa South Korea military, isinagawa ng NoKor ang paglulunsad ng missile kasunod ng pagpupulong ng UN Security Council para talakayin ang nauna nang pagpapakawala ng missile ng Pyongyang.
Sinabi ng Joint Chiefs of Staff ng Seoul na na na-detect ang ballistic missile sa direksyong patungo ng East Sea.
Ito na ang ikalawang ballistic missile test ng Pyongyang sa loob ng isang linggo. (DDC)