Mahigpit na border control na ipinatutupad sa Japan pinalawig pa
Pinalawig ng bansang Japan ang mahigpit na border measures na ipinatutupad nito kasunod ng pagtaas pa ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida magpapatuloy ang pagpapairal ng kanilang border control policy hanggang sa katapusan ng buwan ng Pebrero.
Maari namang ma-exempt sa mahigpit na polisiya ang ilang miyembro ng Japanese families kabilang ang mga estudyante na nag-aaral sa Japan.
Samantala, muling bubuksan ng pamahalaan ng Kapan ang kanilang large-scale vaccination centres na pinamamahalaan ng kanilang Self-Defense Forces.
Aatasan din ang mga lokal na pamahalaan na buksan ang sarili nilang mass-inoculation sites para mas mapabilis ang pagbibigay ng booster shots. (DDC)