DTI at DOH nagpatupad ng purchase limit sa ilang mga gamot sa trangkaso
Dahil sa tumataas na demand sa gamot sa lagnat, ubo at sipon, nagpatupad na ng purchase limit ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga gamot sa nasabing mga sakit.
Nagpalabas ng Joint Memorandum Circular ang DTI at DOH na nagsasaad nng purchase cap sa Paracetamol, Carbocisteine at Phenylephrine hydrochloride.
Para sa 500mg na Paracetamol, 20 tabletas lamang ang pwedeng bilhin kada tao o hanggang 60 tablets kada household.
Kung ang bibilhin ay Paracetamol 120mg/5ml suspension o 250mg/5ml suspension, 5 lamang ang pwedeng bilhin ng bawat indibidwal o 10 kada household.
Sa Phenylephrine hydrochloride naman, ang 2.5mg/500mcgl at 125mg/5ml na 60ml ay hanggang 5 lang ang pwedeng bilhin kada tao o 10 kada household.
Kung tabletas naman ang bibilhin o kapsula, 20 ang pwedeng bilhin ng kada tao o 60 kada household.
Para naman sa Carbocisteine, kung kapsula ang bibilhin ay hanggang 20 lang ang pwedeng bilhin kada tao o 60 kada household.
At kung suspension ang bibilhin ay ay hanggang 5 lang ang pwedeng bilhin kada tao o 10 kada household.
Inabisuhan na ng DTI at DOH ang mga retailers hinggil sa nasabing memorandum. (DDC)