Publiko pinag-iingat ng BSP sa mga nanloloko at gumagamit ng pangalan at logo ng ahensya
Pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko sa mga indbidwal na ilegal na gumagamit ng BSP name at BSP logo.
Ayon sa BSP, mayroong mga grupo, indibidwal o kumpanya na ginagamit ang BSP at logo into sa kanilang sariling mga website, social media accounts at promotional materials.
Nag-aalok umano ng produkto, serbisyo at assets ang mga ito at sinasabing sila ay sertipikado ng BSP.
Paalala ng BSP sa publiko laging i-check kung ang financial institution ay licensed at supervised ng BSP.
Maaring makita ang listahan sa website ng BSPĀ https://www.bsp.gov.ph/SitePages/financialstability/Directories.aspx