Non-emergency appointments kinansela ng US Embassy sa Manila
Sinuspinde ng US Embassy sa Manila ang lahat ng non-emergency appointments para sa US passports at Consular Reports of Birth Abroad.
Ang suspensyon ay hanggang sa Biyernes, January 14.
Ayon sa Health Alert na inilabas ng embahada, apektado ang kanilang operasyon ng tumataas na kaso ng COVID-19 na nagresulta na sa kakulangan ng mga staff.
Sa ngayong tanging ang mga aplikanteng may urgent travel needs ang kayang ia-accommodate ng embahada.
Lahat ng apektadong aplikante ay bibigyan na lamang ng bagong schedule. (DDC)